Manila, Philippines- Trending ngayon ang teaser ng paglabas ni Andrea Brillantes sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo”.
Ang actress kasi na kumalas na sa Star Magic ang isa sa pinakabagong addition sa cast ng nasabing serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.
May mga naintriga rin sa intimate scenes ni Andrea kay Jake Cuenca.
Hirit ng ilan, ito raw ang pinakamapangahas na ginawa ng actress.
Some madlang pipol naman saw it coming lalo na’t hindi na naman bumabata ang dating pabebe star dahil turning 22 na ito ngayong Marso.
Sey pa ng kibitzers, bininyagan daw ni Jake si Andrea sa transition nito into adult roles.
Ito ang ilang komento ng mga kate-katera at sawsawera.
“Blythe in her new era.”
“Ready for daring roles”
“Feeling ko. Siya ang bagong leading lady ni Coco.”
“Bakit pabata nang pabata ang leading lady ni Coco.”
“Hindi lang naman si Coco ang pabata nang pabata ang leading lady. Panahon pa nina FPJ, Robin at Bong, uso na iyan.”
“Yan ba ang dahilan kaya kumalas siya sa Star Magic.”
“Move over, Lovi, Ivana and Kim.”
“Hello, hindi na siya minor ano. Natural, magtra-transition na siya sa adult roles. Hindi naman puwedeng forever stuck na siya sa pabebe roles.” Archie Liao