Home ENTERTAINMENT Andrea, kinabog si Ivana sa 100 most beautiful faces of 2023!

Andrea, kinabog si Ivana sa 100 most beautiful faces of 2023!

Manila, Philippines – Kinabog ni Andrea Brillantes ang ilang kapwa Pinay na celebrities sa listahan ng The 100 Most Beautiful Faces of 2023.

Ang talaan ay taun-taong inire-release ng TC Candler and the Independent Critics mula pa noong 1990.

Inilabas ng TC Candler and Independent Critics ang 2023 list nitong December 28.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang kontrobersyang kinasasangkutan, nasa ika-16 ang puwesto ni Andrea.

To her credit, si Andrea ang bukod-tanging Pinay celebrity na kabilang sa Top 20 considering na ngayong taon lang siya napabilang.

Nanguna ang South Korean-American singer na si Nancy McDonie ng Momoland noong isang taon.

Ang mga kapwa Pinay celebrities na kinabog ni Andrea ay ang model-actress at content creator na si Ivana Alawi.

Ivana ranks No. 21 on the list.

Nasa ika-28 na puwesto naman si Liza Soberano who topped the list in 2017.

No. 45 naman si Janine Gutierrez.

Nasa malayo namang spot si Belle Mariano na pang-71.

Naglabas din ang TC at Independent Critics ng The 100 Most Handsome Faces of 2023, four of whom ay mga Pinoy celebrities.

Nanguna sa talaan ng mga kalalakihan ang American-French actor na si Timothee Chalamet.

Ang pamantayan ng TC at Independent Critics ay pinaghalu-halong criteria which are all embodied in a beautiful face.

Ang mga ito’y aesthetic perfection, grace, elegance, originality, passion, class, poise, joy, promise at hope.

Tiyak na may aalma sa impressive ranking ni Andrea, gayong hindi naman niya ito kasalanan. Ronnie Carrasco III