Home ENTERTAINMENT Andrea, ‘nakaganti’ kay Dimples!

Andrea, ‘nakaganti’ kay Dimples!

162
0

Manila, Philippines – May kasabihan ngang “What goes around comes around.”

At sa kaso ni Andrea Brillantes, kung napagtiisan niya noon ang ginawang pananampal sa kanya ni Dimples Romana sa teleseryeng Kadenang Ginto, the tables are turned now.

Sa palabas na High Strèet ay nagkabaligtad sila ng role.

Call it reversal of fortune dahil si Andrea naman ang may eksenang sinampal niya si Dimples.

Take note, ‘yung ganoong eksena gives Andrea a different high.

Sadista?

Not exactly. In her words, proud lang ang aktres na mabigyan ng pagkakataon to be at par with Dimples.

Aniya: “I feel honored to be working with a respected veteran actress!”

Isa nga sa nag-trending sa social media ang sampalan scene nina Andrea at Dimples, making the viewers interested to watch it without fail.

Pero let’s face it, no sampalan comes close to the scene kung kaeksena ng isang batang artista ang isang tulad ni Maricel Soriano.

Dream come true nga para sa marami ang makatikim ng sampal mula kay Maricel.

Pag nangyari na ‘yon kay Andrea, only then can she say she has truly arrived. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here