MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Senador Loren Legarda na ang pondo para sa PhilHealth ay dapat manatili sa ahensya, kasunod ng pagpasiya ng Korte Suprema na nag-utos na ibalik ang ₱60-bilyong kinuha mula sa PhilHealth at ipinagbawal ang anumang paglilipat ng natitirang ₱29.9-bilyon.
“This decision is correct and consistent with what we have long fought for—PhilHealth’s funds must remain with PhilHealth. These subsidies exist to protect the Filipino people, not to be diverted elsewhere,” ani Legarda.
Binigyang-diin din niya na responsibilidad ng Kongreso na tiyaking sapat ang pondo ng PhilHealth, itama ang kakulangan sa 2026 budget, at siguraduhin ang transparency at accountability sa paggamit ng naibalik na pondo. RNT