Home NATIONWIDE Angara, kinalampag sa P1.3B Electrification Funds sa 2026 budget sa walang kuryenteng...

Angara, kinalampag sa P1.3B Electrification Funds sa 2026 budget sa walang kuryenteng paaralan

91
0

MANILA, Philippines – Lantarang kinalampag ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian si Education Chief Juan Edgardo “Sonny” Angara na gamitin ang P1.295 bilyong pondo ng Department of Education (DepEd) para sa electrification ng pampublikong paaralan.

Sa pahayag, ipinagagamit ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on finance, ang naturang pondo sa plano ng DepEd na gumamit ng solar power sa ilang piling public schools para sa programa.

Aniya, bahagi ang naturang pondo ng National Rural Electrification Program ng National Electrification Administration (NEA).

Nakatanggap ng kabuuang P9.1 bilyon ngayong taon ang naturang programa.

Nakasaad sa isang special provision ng NEA budget na ang pondo para sa electrification ng mga paaralan ay ekslusibong gagamitin sa mga paaralang wala pang kuryente o off-grid schools.

Saklaw din ng naturang pondo ang modernisasyon at upgrading ng mga electrical systems ng mga on-grid schools, kabilang ang pag-upgrade sa electrical power systems ng mga kasalukuyang school buildings, pagbili at installation ng transformers, at pag-install ng solar power systems.

Mandato rin sa NEA na bigyang prayoridad ang paggamit ng solar energy sources sa pagkabit ng kuryente sa mga off-grid at on-grid public schools.

“Titiyakin din nating gagamit tayo ng epektibong teknolohiya hanggang magkaroon ng ilaw ang bawat paaralan sa bansa,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.

Sa ilalim ng National Education Plan na isinumite ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), target na malagyan ng kuryente ang 3,358 na mga un-energized schools sa 2028. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here