Home NATIONWIDE Angara sa mga guro: Maging ‘compassionate foster parents’ sa mga estudyante

Angara sa mga guro: Maging ‘compassionate foster parents’ sa mga estudyante

1
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Education Secretary Sonny Angara ang mga guro na maging “compassionate foster parents” sa mga estudyante sa gitna ng lumalaking alalahanin sa mental health at epekto ng harmful online content sa kabataan.

Kasunod ito ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato noong Setyembre 18, na nagtulak sa Department of Education (DepEd) na muling suriin at palakasin ang school safety at learner well-being measures.

Ayon kay Angara, mahalagang mas makilala ng mga guro ang kanilang mga estudyante, maunawaan ang kanilang pinagdaraanan at regular na kamustahin ang kanilang kalagayan, lalo na ang mga kabataang nakakaramdam ng isolation o kakulangan ng suporta.

“This is a wake-up call for all of us in DepEd to be aware of the problem and take positive steps to address it,” ani Angara, na tinawag na “mental health epidemic” ang sitwasyong kinakaharap umano ng ilang kabataan.

Bukod sa psychosocial interventions, nagpapatupad din ang DepEd ng mas mahigpit na safety measures sa mga pampublikong paaralan, kabilang ang bag inspection, controlled entry at exit points at mas mataas na police visibility.

Pinalalawak din ng ahensya ang mga programang tumutulong sa mga magulang at guro na matukoy ang posibleng warning signs at online risks na kinakaharap ng mga bata.

Hinimok din ni Angara ang mga magulang at guardian na bantayan ang paggamit ng kanilang mga anak ng smartphones, social media at iba pang online platforms. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here