Home ENTERTAINMENT Angeli at Robb, nag-espadahan ng dila!

Angeli at Robb, nag-espadahan ng dila!

149
0

Manila, Philippines – Naganap na nga ang advanced screening ng Vivamax’ Unang Tikim na dinirek ni Roman Perez Jr.

Bida dito sina Robb Guinto at Angeli Khang, na nag-espadahan ang mga dila sa pelikula.

Nagtalbugan din ang kanilang mga bubey at nagtalsikan din ang mga luha ng ilang beses.

Sey ni Robb ay pangarap talaga nilang dalawa ni Amgelica na magka-movie na magkasama. Wala naman daw silang ilangan sa umpisa.

Para naman kay Angeli, dahil close nga sila ay hindi na nila naiisip yung malisya sa kissing scene o bed scenes.

“Sa amin kasi, alam namin yung limitations ng bawat isa. Alam namin yung bawal hawakan, pwede hawakan, ganun,” sey ni Robb.

Kapag lalaki raw kasi, medyo naiilang sila pero dahil nga pareho silang babae ay kabisado na nila ang limitations nila.

“This is a core memory namin sa isa’t-isa,” dagdag pa niya.

Nakakatuwa ang pagka-supportive ni Angeli sa kapwa niyang Vivamax A-lister dahil nai-share rin niya kung paano pinuri ni Direk Brillante Mendoza si Robb.

Dati, after ng shoot ng pelikulang Virgin Forest ay itinodo ni Robb ang pagganap ng baliw sa kagubatan.

Napansin ng Cannes award-winning director na kahit hirap si Robb sa scene dahil sa mga galos at kagat ng insekto ay lumutang pa rin ang husay nito sa pag-arte.

May kasamang pait ang tagumpay ni Robb ngayon dahil may mga naging maldita sa kanya during the casting process ng Unang Tikim.

“Noong una po kasi, binato na po sa akin ang role na ito. Sinabi na po sa akin itong movie na ‘to.

“Tas parang may narinig lang ako na hindi ka dito, hindi ka talaga bagay dito sa role na ‘to. So, parang ako, kinwestyon ko yung sarili ko,” maluha-luhang pag-amin ni Robb.

“Napakahirap ng pinagdaanan ng dalawang ito kasi ang dumadaan sa Vivamax ngayon ay siguro, mga isandaang babae na,” patotoo ni Direk Roman.

Mapapanood ang Unang Tikim sa mga sinehan simula ngayong August 7. Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here