Home NATIONWIDE Anti-Agricultural Economic Sabotage bill OKs sa Kongreso

Anti-Agricultural Economic Sabotage bill OKs sa Kongreso

MANILA, Philippines – Pinal nang ipinasa ng Kongreso ang panukalang “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.”

Kapwa niratipikahan ng Senado at Kamara ang 2nd bicameral conference committee report na ipinagkakasundo ang Senate Bill 2432 at House Bill 3917 at 9284 nitong Agosto 6, 2024.

Inirekonsidera ng joint panel ang unang bicameral report na ratipikahan ng dalawang Kapulungan noong Mayo.

Sa ilalim ng consolidated measure, nagagawa ang krimen ng agricultural smuggling bilang economic sabotage kung ang halaga ng bawat, o kombinasyon ng agricultural at fishery products na inismagel ay aabot ng P10 milyon.

Sinasabi rin dito na ikinokonsiderang economic sabotage ang agricultural economic hoarding kung ang isang tao o grupo ay mayroong stock ng agricultural at fishery products na sobra sa 30% ng kanilang normal inventory level, 10 araw matapos ng deklarasyon ng abnormal situation o matapos ang deklarasyon ng emergency of state of calamity.

Ang multa naman para rito na may kasamang pagkabilanggo ay tinaasan ng limang beses ng halaga ng agricultural at fishery product na sangkot sa krimen.

Hinihintay na lamang ng panukala ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT/JGC