Home ENTERTAINMENT Angelica, may kundisyon sa taping!

Angelica, may kundisyon sa taping!

Manila, Philippines- Given her ststus in life now, feeling ni Angelica Panganiban na she has the right to call the shots.

Matagal-tagal na naman kasing inaabangan kung kailan siya muling mapapanood via a teleserye.

Matatandaang inulan noon ng mga TV projects ang opisyal nang Mrs. Gregg Homan bago sila nagpakasal ng ama ni Baby Bean.

Kaso, humingi ng palugit si Angelica.

Saka na raw siya tatanggap ng teleserye pag hindi na gaanong alagain si Amila Sabine.

Although inamin niyang kating-kati na raw siyang magbalik-trabaho, sinasadya raw ni Angelica na huwag pasadahan o basahin ang piniprisintang script sa kanya.

Iniiwasan daw kasi ng aktres na manghinayang kung bakit she had to turn down the offer lalo’t kung nagagandahan siya sa kuwento.

Sa loob-loob niya, ayaw raw niyang sabihin sa kanyang sarili na: “Ako dapat ang bida diyan, eh, kaso inayawan ko!”

Para wala na raw siyang pagsisihan ay totally, tablado nang lahat ang mga offers coming her way.

Things have changed nang natapos na ang renewal of vows nila ni Gregg.

As regards Baby Bean, si Angelica na rin ang nagsabi na ang bilis ng pagdaan ng panahon.

Hindi na kasi masyadong alagain ang anak.

Balitang handa na raw bumalik sa paggawa ng teleserye ang aktres.

‘Yun nga lang, Angelica has imposed certain conditions kung amenable doon ang ABS-CBN.

Ang gustong mangyari pala ni Angelica ay i-call siya sa magkakasunod na araw.

Pero strictly, no weekend work for her dahil nakalaan daw ito sa kanyang pamilya.

‘Ika nga, sagarin n’yo na nang pagkasagad-sagad si Angelica on weekdays pero huwag na huwag n’yo siyang pagtatrabahuhin on family days! Ronnie Carrasco IIi