Manila, Philippines – Ewan kung nagbibiro o seryoso si Angelica Yulo nang tanungin ng press kung sino ang kursunada niyang gumanap bilang siya sa biopic if ever ng kanyang anak na si Carlos.
Parang timely nga naman kung maiisip ng sinumang film producer na isalin sa pelikula ang kuwento ng buhay ng two-time gold medalist ng Paris Olympics.
Matatandaang hindi pa man nananalo si Carlos ng kanyang unang gold medal (sa men’s floor exercise) ay nabanggit na ng actress-producer na si Sylvia Sanchez na interesado ang kanyang Nathan Studios na magprodyus ng pelikula tungkol sa ating mga atleta na lumaban sa Paris.
If ever ngang matutuloy ito, mas maganda kung mismong si Carlos ang gaganap bilang siya.
Curious tuloy ang press as to who Angelica likes to play her part kung sakali.
Sagot ng naging kontrobersyal na ina: “Puwede bang ako na rin ang gumanap?”
So, ftustrated actress pala si Angelica?
Siguro nga, kung hindi siya nalinya sa pagbebenta ng mga damit at lutong ulam ay malamang na pinasok niya ang showbiz.
At dahil bet niya na siya ang gumanap bilang siya, does it mean na may ibubuga pala siya sa aktingan?
Serious ba talaga ang binansagang “drama queen mother” ni direk Joey Reyes? Ronnie Carrasco III