Manila, Philippines – Medyo alumpihit pero mas lamang na pirmahan ni Sharon Cuneta ang kontrata which will have her perform via a concert tour in the US.
Paintriga effect pa ang post ng Megastar sa kanyang Instagram.
Aniya: “A little bird told me that l’Il have a concert tour in North America this fall. Hmmm, I already have the contract. Should I sign it?Please comment below.”
Mas na-excite ang mga fans sa linya in between that particular post na: “But I’m not alone!”
Meaning, may co-performer ang singer-actress.
Sapat na ‘yon para lumundag sa tuwa ang mga fans niya na sure na sure kung sino ang makakasama ng kanilang idolo.
Sino pa kundi si Gabby Concepcion!
Nagsasalimbayan nga ang mga comment mula sa mga ShaGab fans na: “Pirmahan mo na, Ate Shawie!”
Isang netizen ang obyus na may katibayan that the US tour will push through.
Ibinuking kasi nito ang petsa bilang November 15 sa The Venue sa Thunder Valley Resort Casino.
Isa rin si Jaya sa mga natuwa, even looking forward to being a guest performer: ”’Dear Heart’ concert?
“Beke nemen, libre ako sa panahon na ‘yon!”
Sharon had nice words for Jaya who she misses so much.
Maganda raw kasi ang puso nito, at bonus na lang daw ang pagiging isang mahusay na mang-aawit.
Matatandaang megasuccessful ang Dear Heart concert nina Sharon at Gabby noong October 27, 2023 sa SM Mall of Asia Arena at sa Cebu noong November 17 of the same year.
Plans, however, to mount a repeat show bogged down dahil umano sa kampo ni Gabby. Ronnie Carrasco III