Home ENTERTAINMENT Angelica Yulo, ‘Ulirang Ina’ awardee!

Angelica Yulo, ‘Ulirang Ina’ awardee!

Manila, Philippines- Inaasahan nang ear to ear ang ngiti ni Angelica Yulo para tanggapin ang parangal na ipinagkaloob sa kanya ng ika-7 Southeast Asian Achievement Award.

Ito’y ang Ulirang Ina Award o Motherhood Legacy Award.

Partikular na binigyan ng pagpapahalaga ng organisasyon ang journey ni Angelica bilang isang “compassionate, selfless and dedicated mother that truly embodies the true essence of an ulirang ina.”

Binanggit din ang kahanga-hangang pagpapalaki ng ina ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang mga anak.

Habang sinusulat namin ito’y hindi pa nakukunan ng kanyang reaksyon ang misis ni Mark Andrew.

Kung napapansin n’yo, sunud-sunod ang mga magagandang pangyayaring dumarating sa buhay ng kontrobersyal na ina.

Patok ang kanyang online selling ng mga “branded” t-shirts at beauty products.

Kinuha pa siyang endorser ng isang dental company.

Hinihikayat din si Angelica na sumali sa Mrs. Philippines beauty pageant sa March next year.

And here comes an Ulirang Ina recognition.

So, what’s next for Angelica?

“Sana’y magkasundo na sila ni Carlos…’yun ang pinakamagandang pangyayari sa buhay nilang mag-ina!” nagkakaisang panalangin ng mga netizen. Ronnie Carrasco III