Home ENTERTAINMENT Angeline, nawindang sa diabetes!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Angeline, nawindang sa diabetes!July 10, 2024 11:50 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – After a series of lab tests run on her, ikinawindang ni Angeline Quinto ang resulta nito: meron siyang gestational diabetes.Mismong ang OB na rin ang nagpayo na sumailalim sa serye ng tests.Higit na ikinaloka ng singer-actress na posible raw makaapekto ‘yon sa kanyang ikalawang pagbubuntis.At present, Angeline is heavy with her second child by Nonrev Daquina.Aminado siyang lately ay napapalakas daw ang kanyang kain.Ayon sa kanyang doktora, she needs to correct her eating habits.Kaya naman sa isang video ay talagang nakuhang kontrolin ni Angeline ang kanyang paglafang lalo na ang rice intake niya.She attributes her appetite sa dami raw ng kanyang mga commitments lately.In a way, regalo raw niya sa kanyang sarili na kumain for as long as she wants.Pinagtataka pa niya na noong ipinagbubuntis daw niya si Baby Sylvio ay wala siyang gestational diabetes.Now, Angeline diligently watches her sugar level na buti na lang daw ay mababa nang nagkontrol na siya. Ronnie Carrasco III