Home ENTERTAINMENT Angelu, namigay ng sitaw at upo, inokray!

Angelu, namigay ng sitaw at upo, inokray!

Manila, Philippines – Maging si Pasig City Councilor at Kapuso actress na si Angelu de Leon ay sang-ayon na kulang o hindi sasapat ang halagang P64 para makabili ng masusustansyang gulay bilang pagkain.

Sa mahal nga naman ng lahat ng mga bilihin at patuloy pang tumataas ay paano nga naman

posibleng mapagkasya sa limitadong budget ang mga gulay na gusto mong bilhin?

Ang pamamahagi kasi ng sari-saring mga gulay ang paraan ng Konsehala para mairaos ang kanyang kaarawan.

August 22 ang birthday ng isa sa mga tauhan ng historical action-series na Pulang Araw sa GMA.

And even before she became a public servant, naging tradisyon na ni Angelu na mag-set up ng community pantry sa kanyang lugar sa Pasig City.

Aniya, it’s her way of giving back sa kanyang mga kalugar at constituents na rin now that she’s with the city council.

‘Yun nga lang, hiningi ni Angelu ang pang-unawa ng mga taong pumila para sa kanyang ayudang gulay.

Dahil sa mahal nga naman ng mga ito, imbes halimbawa ng isang buong upo ay pinaputol niya ito para mas marami nga naman ang mabigyan.

Ultimo sitaw–ayon sa isang nang-okray na netizen–ay bilang din daw as in limang piraso kada tao.

Pero in fairness, kahit kalahati lang ang upo at bilang ang mga sitaw ay marami rin namang klase ng gulay ang naiuwi ng mga residenteng pumila.

Naging praktikal lang ang approach ni Angelu lalo’t “food-poor” nga ang bansag sa nakararami sa ating mga kababayan.

At sa daming mga constituents niya, tama lang daw na gumawa ng “proper apportioning” para ‘ika nga’y walang uuwing luhaan.

Mas magandang ipagpasalamat ‘yon kesa pintasan ang ayudang mismong sa bulsa ni Angelu galing at hindi mula sa buwis ng taumbayan!

Be gratetul. Ronnie Carrasco III