Home METRO Angkas CEO agad nag-public apology sa kapalpakan ng rider

Angkas CEO agad nag-public apology sa kapalpakan ng rider

MANILA, Philippines – Nasangkot sa kontrobersiya kamakailan ang Angkas nang mag-viral ang video ng ginawang kapalpakan ng ilang mga rider nito sa Cainta, Rizal.

Kitang-kita sa video ang pagharang ng isang grupo ng Angkas riders sa isang bahagi ng Cainta Junction nitong Linggo. Sapul din sa video ang pagliko ng mga rider kahit no left turn zone ang daan.

Umani ng batikos mula sa netizens ang pangyayari, bagay na nakarating mismo kay Angkas CEO at Angkasangga Partylist First Nominee George Royeca.

Sa kabila nito, mabilis namang nag-public apology ang CEO ng nasabing kumpanya na less than 24 hours ay humingi kaagad ng paumanhin.

Sa halip na ibunton ang sisi sa kanyang mga rider na sangkot sa insidente, agad na inako ni Royeca ang responsibilidad at humingi ng paumanhin sa publiko.

Mistulang isang ama na humihingi ng paumanhin para sa mga nagkasalang anak ang naging tindig ni Royeca.

Nangako naman si Royeca na makikipagtulungan sa gagawing imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyari, at gagawin ang lahat para maibalik ang tiwala ng publiko sa Angkas, na nakilala sa pagiging ligtas at disiplinado sa lansangan. RNT