Home METRO Angkas may pa-billboard sa EDSA para sa mga magigiting na riders

Angkas may pa-billboard sa EDSA para sa mga magigiting na riders

Hindi nagpa-awat ang Filipino motorcycle taxi company na Angkas sa pagbibigay pugay sa mga natamong tagumpay ng kanilang mga masisipag na biker-partners.

Kamakailan, isang malaking billboard sa kahabaan ng EDSA ang ipinalagay ng Angkas para kay Jhun Agregado, isang Angkas rider simula panoong 2017.

Ito ay para ipagdiwang ang kanyang kahanga-hangang tagumpay — ang mapagtapos ang anak na si Michaela sa kolehiyo.
Gumraduweyt si Michaela na may kurso sa Office Management Technology kamakailan.

Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Angkas sa pagpapahalaga sa mga biker na hindi lamang nagbago ng kanilang buhay kundi nagtupad din ng kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya.

Ibinahagi ni Angkas CEO George Royeca ang kanyang pagbati sa Facebook na may kasamang kaunting pagbibiro para sa nagdisenyo ng billboard.

Aniya, “Sino gumawa ng billboard na ito? Mukhang kailangan na namin mag-hire ng panibagong graphic artist. Pero congrats pa din sayo, Sir Jhun! Galing mo. Congrats at good luck sayo, Michaela! Mahal ka ng tatay mo.”

Nagpahayag naman si Agregado ng kanyang taos-pusong pasasalamat para sa Angkas.

Isa sa mga misyon ng Angkas ang pagbibigay importansya sa kapakanan ng kanilang biker partners upang matulungan silang umangat mula sa kahirapan, nang sa gayon ay mapaunlad ang kalidad ng kanilang buhay. RNT