Home ENTERTAINMENT Anji, inaming crush si Enrique, na-bash ng LizQuen fans!

Anji, inaming crush si Enrique, na-bash ng LizQuen fans!

Manila, Philippines – Pagkatapos na ma-okray ng netizens dahil sa kanyang acting sa seryeng “Linlang”, muli na namang pinupulutan ngayon ng bashers si Anji Salvacion.

Pinupuntirya kasi siya ngayon ng bashers at maging ng LizQuen fans dahil sa naging pahayag niya sa isang interview.

Ani Anji, malaon na niyang crush si Enrique Gil.

“Sobrang fan ako ng LizQuen even way before,” aniya.

“Mas nauna kong nakilala actually si Enrique from Princess and I. Tapos doon ko siya naging crush noong nagpakalbo siya, naging shaolin siya.

“Sabi ko, ‘Hala, ang pogi niya pa rin.’ So crush ko pa rin siya kahit kalbo siya doon,”dugtong niya.

Dagdag pa niya sa latest guesting ni Enrique sa isang show ay nanghihinayang daw siya dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makita ito nang personal.

Katunayan, aminado rin siyang gusto niyang makatrabaho ang actor na hindi naman imposible dahil buwag na ang tambalang LizQuen.

Ito naman ang reaksyon ng mga nagmamaldita sa kanyang naging pahayag.

May mga nagdadabog pa na nagsabing maging ‘aktres’ muna siya bago siya mangarap na makatambal si Quen.

“Cringy! Mag-acting workshop muna siya bago siya mag-ilusyon.”

“Hindi naman niya direktang sinabi na bet niyang maka-partner si Quen.”

“In fairness, bagay sila pero huwag lang siyang magdradrama.”

“What a nerve. Ayusin muna niya ang acting niya.”

“Wiz ko type ang naeebak na acting niya.”

“Na-downgrade si Enrique.”

“Wala na bang ibang puwedeng ipartner kay Quen. Baka hilahin lang niya si Enrique pababa.” Archie Liao