Home METRO Simbahan at paaralan sa Isabela, naabo

Simbahan at paaralan sa Isabela, naabo

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela – Nakapagtala ng halos magkasabay na nasunog ang isang simbahan at paaralan sa Lungsod ng Ilagan at San Mateo, Isabela.

Pasado alas-12:00 ng tanghali ng mabalot sa makapal na usok ang simbahan ng Saint Ferdinand sa Lungsod ng Ilagan kung saan halos maabo ang buong simbahan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa simbahan matapos na maideklarang fire-out pasado ala-1:15 ngayon hapon.

Samantala, sumiklab rin ang sunog sa isang Catholic School sa bayan ng San Mateo ngayong hapon kung saan patuloy na inaalam rin ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Wala namang naiulat na namatay sa insidente sa magkahiwalay na insidente ng sunog.

Sa ngayon ay inaalam pa ang natupok ng apoy sa mga nasabing establisyemento.

Samanta, muli ngbabala ang mga awtoridad na agad na ipagbigay alam ang anumang insidente ng sunog bago pa man kumuha ng larawan o video at isapubliko sa Social media. (Rey Velasco)