Home ENTERTAINMENT Anjo, binanatan ang mister ni Ate Vi!

Anjo, binanatan ang mister ni Ate Vi!

351
0

Manila, Philippines- Pangiti-ngiti lang pero obyus na bad trip si Anjo Ylanna sa pahirap na pamamalakad ni Finance Secretary Ralph Recto.

Kulang na lang kasing sabihin ni Anjo na “sipsip buto” o sobrang nagpapalapad ng papel ang mister ni Batangas Governor Vilma Santos.

Sa isang maikling video, binanatan ng komedyante si Ralph: “Bakit ka ganyan, Secretary? Alam mo ba na sa tuwing lalabas ka ng TV, eh, natatakot na sa ‘yo ang taumbayan?”

The public fear–Anjo states-comes from Ralph being too unreasonably obedient to the wishes of the President.

Tungkulin kasi ni Ralph na humanap ng paraan para sa ikabubuti ng financial side ng gobyerno, such is his idea to increase the tax.

Dagdag ni Anjo: “Bakit hindi ang interes ng taumbayan ang isipin mo, Secretary, hindi para ang pinasasaya mo, eh, ang Presidente?”

Binanggit ni Anjo ang VAT na maaari naman daw tapyasin: “Regalo mo na sa taumbayan na pinagnanakawan!”

Sinabi pa ni Anjo na hindi raw ganoon ang pagkakakilala niya kay Ralph noon, na ngayo’y kulang na lang himurin ang puwet ni PBBM to earn pogi points.

Gayunpaman, kinumusta pa ni Anjo ang maybahay nito, si Ate Vi–patunay na hindi personal ang atake niya sa mister ng aktres.

Siyempre, asahan nang tikom ang bibig ni Vilma, na ano nga ba ang pakialam sa hinaing ng taumbayan na hindi naman lahat ay BatangueƱo?

Resbak daw ni Ralph sa tinuran ng isang netizen–huwag daw siyang utusan kung ano ang dapat gawin.

Alam kaya ni Ralph ang ibig sabihin ng public servant?

Feeling boss na rin ba siya tulad ng boss niya?

Juice colored! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here