Home ENTERTAINMENT Anjo, may babala kay Cristy!

Anjo, may babala kay Cristy!

268
0

Manila, Philippines – Kung nagkasundo si Anjo Yllana at ang kampo ng mga Sotto, this is not the case between the comedian and his hard-hitting critic Cristy Fermin.

Sa kanyang latest TikTok edition, nanawagan na si Anjo kay Mr. Manny V. Pangilinan.

Si MVP ang may-ari ng MediaQuest Ventures o TV5.

Sister company ng TV5 ang Radyo Singko kung saan umeere ang daily program ni Cristy na Cristy Ferminute o CFM.

Hirit ni Anjo sa TikTok: “Akala ko ba ceasefire na, eh, bakit binabanatan pa din ako ni Cristy Fermin?”

Dito na ipinasok ni Anjo ang kanyang panawagan kay MVP: “Mr. Manny Pangilinan, bakit hindi n’yo sibakin na ‘yang si Cristy Fermin? Puro paninira lang ang ginagawa, eh!”

Sabay kambyo ni Anjo na yaman din lang at ayaw siyang i-guest ni Cristy sa radio program nito ay: “O, sige, sa bawat paninira ni Cristy sa akin, magkukuwento na lang ako. Kuwento, ha? Hindi paninira!”

Sa punto na ngang ‘yon pinaksa ni Anjo ang tungkol sa umano’y pambubuyo noon ni Senator Tito Sotto na pormahan si Senator Loren Legarda.

‘Yun daw ang naging usapan nila nang parehong naglaro sa Manila South Woods sa Carmona, Cavite.

Bagama’t ayon kay Anjo ay gandang-ganda siya sa senadora, taong 1998 pa daw ‘yon nang bumisita sa Baclaran.

Bukod sa laki ng kanilang age gap, nanliliit daw si Anjo na noo’y Quezon City Councilor kumpara kay Legarda na mataas ang posisyon.

Summing it all up, hindi raw itinuloy ni Anjo ang pagporma kay Loren.

”’Yan po, mga kaibigan, ang kuwento ko…tulad nga ng sinabi ko, bawat paninira sa akin ni Cristy Fermin, eh, may ikukuwento ako!

Kaya abangan ang susunod na kabanata!” pagtatapos ni Anjo. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here