MANILA, Philippines – Dapat maghanda ang mga motorista sa Metro Manila sa mas mabigat na trapiko sa mga susunod na linggo, dahil inaasahang tataas ang “carmaggedon” sa unang linggo ng Disyembre, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Linggo.
Sa ulat, sinabi ni MMDA Special Operations Head Gabriel Go na ang Chrstmans rush ay hindi pa nagsisimula, sa kabila ng mas mabigat na trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Ipinaliwanag ng MMDA na ang karaniwang pagbigat ng trapiko sa kapaskuhan ay kasabay ng paglabas ng mga bonus sa Pasko ng mga empleyado, madalas sa unang o ikalawang linggo ng Disyembre.
Aminado ang MMDA na ang araw-araw na dami ng sasakyan sa kahabaan ng EDSA sa panahon ng Chrstmas rush ay maaaring umabot sa 380,000 hanggang 400,000 sasakyan, halos doble sa karaniwang 200,000 hanggang 250,000.
Upang pamahalaan ang inaasahang trapiko, nagpatupad ang MMDA ng ilang mga hakbang, kabilang ang paglilinis sa kahabaan ng Mabuhay Lanes at pagpapaluwag ng oras ng pag-operate ng mga mall mula 11 ngn umaga hanggang 11 ng gabi.
Ibinahagi rin niya na ang mga deliveries sa mga mall ay limitado na ngayon sa 11 ng gabi hanggang 5 ng umaga maliban sa mga pagkain at mga perishable na item.
Bukod dito, pinapayagan lamang ang mga mall na magkaroon ng mga sale sa buong mall sa mga weekend at kinakailangan na magsumite ng mga plano sa pamamahala ng trapiko ng hindi bababa sa dalawang linggo bago ang mga planadong promosyon o kaganapan.
Samantala, suspendido ang lahat ng mga gawaing paghuhukay sa Metro Manila at mga katabing lungsod, at ang mga enforcer ng MMDA ay magtatrabaho ng mga extended shift upang matulungan ang pagbawas ng trapiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden