Manila, Philippines – If there’s one thing that Annabelle Rama and Jinkee Pacquiao share in common, ‘yun ay ang mga bagay that only the rich can afford.
Mamahalin at de kalidad na alahas.
Alam na alam ni Annabelle na kumilatis ng mga ito dahil nagbebenta siya as much as she wears them.
Walking jewelry store nga ang celebrity mom who wears her collection of her finest jewelry sa mga espesyal na okasyon.
No one else in showbiz seems more credible sa negosyong ito than her.
Mapalad si Annabelle dahil nakahanap siya ng parokyano sa katauhan ni Jinkee, herself a sucker for the finer things in life.
Hindi lang businesswoman-client relationship ang nabuo nila.
Over the years, nag-evolve ‘yon sa pagkakaibigan.
Sa mga mahahalagang okasyon sa Pacquiao family ay laging present si Annabelle.
She’s like family to the Pacquiaos and vice versa.
Kahit noong kumandidato si Manny bilang Presidente noong 2022 ay ito ang sinuportahan ni Annabelle at ng pamilya nito.
Pero may kasabihan ngang naaangkop din sa mga magkakaibigan –“Some good things never last.”
Ayon kasi sa isang mapagkakatiwalaang source, “nagkasira” umano sina Annabelle at Jinkee over a botched deal.
Kung dati-rati’y sanggang-dikit ang dalawa, ngayon ay warla-warla na.
Kung totoo man, sana’y pangkaraniwang tampuhan lang ito between friends. Ronnie Carrasco III