Home ENTERTAINMENT Fans ni Angel, umasa, nabigo!

Fans ni Angel, umasa, nabigo!

Manila, Philippines – Nag-trending sa X (dating Twitter) kamakailan na kabilang si Angel Locsin sa Christmas station ID ng ABS-CBN.

Kumalat kasi ‘yon sa social media.

Natural lang na abangan ng mga netizens ang exposure ni Angel doon.

Hudyat na nga naman ‘yon ng kanyang pinakahihintay na pagbabalik sa telebisyon.

After all, mahigit nang dalawang taong nananahimik at focused sa kanyang domestic life si Angel.

Mababasa ang mga comments which speak about the netizens’ excitement to see Angel once again.

Pero dahil nag-abang ang mga ito sa wala kung kaya’t ganoon na lang ang kanilang disappointment.

Kung matatandaan, naiulat dito sa Remate Online ang pagdalaw ng ABS-CBN executive na si Cory Vidanes sa tahanan ni Angel.

Balitang kinukumbinsi ni Vidanes ang aktres na bumalik na muli with the assurance na welcome ang kanyang pagbabalik-aktibo.

Maging sa tuwing sinasalanta ng mga bagyo ang bansa’y pilit hinahanap pa rin si Angel.

In the past, hindi kasi nakakaligtaan ni Angel na mag-abot ng tulong.

Magugunitang kahit noong pandemya’y nag-organisa ang aktres ng pantry.

Ayon naman sa BFF nitong si Dimples Romana, ine-enjoy raw ni Angel ang tahimik nilang pagsasama ng asawang si Neil Arce.

Maging sa social media nga rin ay detached si Angel. Ronnie Carrasco III