Home ENTERTAINMENT Annabelle, biktima ng ‘death hoax’!

Annabelle, biktima ng ‘death hoax’!

1
0

Manila, Philippines – Ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama ang latest victim ng “death hoax.”

Kumakalat online ang ulat ng Blind Item University tungkol sa pagpanaw ni Annabelle.

Pero don’t you dare believe the story.

Obyus na fake news ito dahil walang petsa kahit man lang date of birth ng Gutierrez matriarch–only her birthyear na 1953.

Doing the math, 73 anyos na si Annabelle.

Lalo pang in question ang news item dahil walang binanggit na “cause of death.”

The manner it was presented ay obyus na peke–dahil pinagtagpi-tagpi lang ang mga images ni Annabelle.

Maging ang mga spliced videos ng asawa nitong si Eddie Gutierrez at anak na si Ruffa ay halatang dinoktor.

Dahil halatang fake news, huwag agad magpaloko–sa halip ay maging mapanuri, mag-check o magtanung-tanong.

Usung-uso sa showbiz ang death hoax–na wala yatang hindi nakakaligtas dito.

Ang masamang epekto nga lang nito’y sa mga kaanak ng “pinatay” na personalidad–hindi man lang ba ito naisip ng mga fake news purveyors para lang kumita?

Samantala, at presstime ay wala pang reaksyon ang sinumang miyembro ng Gutierrez family.

Inaasahang sasagutin ito ng mgaanak ni Annabelle sa social media–or better yet ni Raymond Gutierrez.

Samantala, inulat ng Showbiz Now Na na nagpunta umano si Annabelle sa Singapore para sumailalim sa PET scan.

Ang naturang test ay para malaman kung may cancer ang sumasailalim nito–ayon mismo sa SNN host na si Cristy Fermin. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here