Home ENTERTAINMENT Anne, may umbok sa leeg, pinagdududahang may goiter!

Anne, may umbok sa leeg, pinagdududahang may goiter!

291
0

Manila, Philippines – May napansing kakatwa ang mga netizens base sa latest photo ni Anne Curtis sa social media.

Ito ‘yung nakasuot siya ng red dress nang magtanghal siya sa ASAP Natin ‘To.

Bukod kasi sa napaka-hot at sexy tingnan ang tinaguriang “Dyosa,” mas nakaagaw ng pansin ang umbok niya sa leeg.

Nababahala tuloy ang mga fans at supporters ni Anne na baka may problema ito sa thyroid.

May kunek din daw ba ito sa pagdagdag ng timbang ng TV host-actress?

llan lang sa mga comments ay ganito: “Bakit ang leeg niya, medyo inflamed?”

“Ganyan ang goiter, dapat habang maliit pa lang, eh, agapan na…kaya pang gamutin ‘yan kesa paabutin nang matagal para hindi na lumaki!”

“Pa-check mo ‘yung leeg mo, Ms. Anne, parang may kakaiba.

“Concerned lang kami, baka sa kabibirit mo ‘yan!”

“May hypothyroidism ba siya?”

Wala pang reaksyon si Anne sa mga obserbasyon ng mga netizens. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here