Home ENTERTAINMENT Ipe, may fake news laban kay Bong, umalma!

Ipe, may fake news laban kay Bong, umalma!

180
0

Manila, Philippines – Inalmahan ni Phillip Salvador ang fake news sa YouTube na maaaring makasira sa pagkakaibigan nila ni Bong Revilla Jr.

Ang balita’y ini-release ng isang US-based content creator sa YT channel nito.

Pinalabas kasi sa ulat na nagsalita si Ipe (palayaw ni Phillip) ukol sa pagsuko at pagkakabilanggo ng dating senador.

Sangkot umano si Bong sa mga maanomalyang flood control projects.

Sa bibig umano ni lpe lumabas ang mga katagang: “Hindi ba kayo nagtataka, mga kababayan, malakas ang loob na sumuko?

“Kahit kaibigan ko si Bong Revilla, ito lang ang sasabihin ko…talagang magnanakaw ‘yan! Noon pa man 2014, ginawa na niya ‘yan kay Napoles.

“Pero ngayon, nagtataka ako, sumuko siya nang boluntaryo. May hinala ako, may plano ‘yang si Bong Revilla.

“Alam kong palabas lang nila ‘yan para masabi na may nakulong na maliit na isda. Baka magturo ‘yan, ituro ang mga Duterte. Kilala ko ‘yan!”

May nakasaad namang disclaimer sa YT channel ng content creator—na ‘yun ay “for entertainment purposes only.”

Pinalagan nga ni Ipe ang aniya’y malinaw na fake news na naglalayong sirain ang ilang taon na nilang pagkakaibigan ni Bong.

Dismayado ang beteranong aktor, tulad ng inaasahan.

Nanawagan si Ipe sa publiko na maging mapanuri sa mga ulat sa social media lalo’t usung-uso ang mga naglipanang pekeng balita. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here