Manila, Philippines – Halo-halong reaction ang natanggap ng aktres na si Maris Racal matapos nitong ianunsyo ang hiwalayan nila ng former Rivermaya vocalist na si Rico Blanco.
Maraming nagbigay simpatiya pero inulan din ito ng duda mula sa netizens.
Duda kasi ng supporters ng dating couple, may third party involved kaya naghiwalay ang dalawa.
Hindi naiwasang madawit ang pangalan ni Anthony Jennings lalo’t ito ang on screen partner ni Racal na bentang benta sa fans and supporters.
Bukod dito, Maris sounded fake for netizens. Ayon sa ilang komento, “Parang ang plastik ng iyak ni Maris”, “Halatang siya may kasalanan, may third party siguro”, “She sounded guilty, mukhang siya ang nag-initiate ng breakup”, “Siguro si Anthony ang dahilan, sobra na kasi sweetness nila!”
Agad namang nilinis ni Maris ang pangalan ng on screen partner nito.
“Anthony is out of the picture. It’s just mainly me and Rico. Mainly me, I am the issue,” saad ni Maris.
As of press time, wala pa ring binibitiwang statement si Blanco tungkol sa hiwalayan nila ni Racal.
Isa sa mga palaisipan ngayon sa netizens, nag-propose kaya si Rico tapos it was turned down by Maris because of her career?