BEIJING, China- Sinabi ng China nitong Biyernes na nagsasagawa ito ng joint military drills sa Russia sa kahabaan ng southern coast nito matapos magpulong ng US-led Western defense alliance sa Washington at magbabalang Japan sa umiigting na banta mula sa lumalakas na ugnayan ng Beijing at Moscow.
Itinanggi ng Beijing ang mga babala at tinawag itong “irresponsible and provocative,” ilang oras matapos sabihin ng China’s defense ministry na sinimulan ng militar ng dalawang bansa ang exercises — tinawag na Joint Sea-2024 — noong “early July,” hanggang sa kalagitnaan ng buwang ito,
Nilalayon ng drills katubigan at himpapawid sa Zhanjiang, isang lungsod sa southern Guangdong province, “to demonstrate the resolve and capabilities of the two sides in jointly addressing maritime security threats and preserving global and regional peace and stability”, base sa ministry.
Dagdag nito, ang mga pagsasanay “will further deepen China-Russia comprehensive strategic partnership of coordination for the new era”.
Alinsunod ito sa annual plan ng Beijing at Moscow para sa military engagement, ayon sa ministry.
Inanunsyo ito sa parehong linggo na nagpulong ang NATO leaders sa Washington upang pagtibayin ang suporta para sa Ukraine sa gitna ng pananakop ng Russia.
Iginiit ng Japan nitong Biyernes na ang joint China-Russia activities malapit sa teritoryo nito ay may hatid na “grave concern from the perspective of national security.” RNT/SA