PAMPANGA, Philippines – Kasabay ng isinasagawang 3-day rally ng Iglesia ni Cristo sa Maynila, isang anti-corruption concert na pinamagatanag “Konsyerto ng Bayan Laban sa Katiwalian” ang sinimulan din kahapon sa Angeles City.
Isinagawa ang concert sa tabi ng dating Sentral Bank ng Pilipinas at sa tapat ng Holy Rosary Parish.
Humigit-kumulang 500 katao ang dumalo sa protesta, na inorganisa ng Concerned Citizens of Pampanga at United Pampanga Artists Against Corruption. RNT/MND