Home NATIONWIDE Anti-corruption protest papayagan ng PNP kahit walang permit

Anti-corruption protest papayagan ng PNP kahit walang permit

262
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na papayagan ang mga protesta kahit walang permit, alinsunod sa utos ni Interior Secretary Jonvic Remulla na igalang ang sentimyento ng publiko kaugnay ng isyu ng korapsyon sa flood control projects.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, karamihan sa mga nagdaang kilos-protesta ay walang permit ngunit hinayaan pa ring magpatuloy. “Because of the order of our SILG Jonvic Remulla… the PNP allowed the protests,” aniya.

Dagdag pa niya, “permissive” ang batas kaya’t hinimok ang mga nagpoprotesta na makipagdayalogo nang mapayapa at agad na mag-disperse matapos ang pagtitipon.

Una nang sinabi ni Remulla na dapat maging sensitibo ang pulisya sa hinaing ng taumbayan, at hindi dapat pigilan ang mapayapang kilos-protesta.

Nakatakdang isagawa ng iba’t ibang grupo ang malaking anti-corruption protest sa Luneta Park sa Setyembre 21. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here