Home OPINION ANTI-FRAUD UNIT VS PANG-AABUSO SA PHILHEALTH GAMOT PROGRAM, BINUO!

ANTI-FRAUD UNIT VS PANG-AABUSO SA PHILHEALTH GAMOT PROGRAM, BINUO!

259
0

MAGPATUTUPAD ang Philippine Health Insurance Corporation ng mas mahigpit na hakbang laban sa mga iregularidad matapos itong bumuo ng isang Special Anti-Fraud Unit na tututok sa mga mapagsamantalang indi­bid­wal o grupo na ginagamit ang kanilang mga programa, partikular ang “Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment” (GAMOT), sa iligal na gawain.

Ayon kay PHILHEALTH acting vice president for corporate affairs Rey Baleña, pangunahing mandato ng bagong yunit ang pag-monitor, pag-imbestiga, at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga mapatutunayang sangkot sa fraudulent activities.

“Ang direktiba ng aming pre­sident at chief executive officer na si Dr. Edwin Mercado ay tiyakin ang mabilis na pag­tugon sa mga kaso ng panlilinlang kaugnay ng GAMOT at iba pang health packages ng PHILHEALTH. Bukod sa panga­ngalaga ng pondo ng miyembro, layon din nitong bantayan ang iba pang programa kagaya ng Yakap sa Kalusugan, kung saan kabilang ang GAMOT,” ani VP Ba­leña.

Ipinaliwanag din niya na si­mula pa lamang ng proseso ng pagpaparehistro sa pamamagitan ng eGov PH app, na konektado sa National ID system, ay mahigpit nang tinitiyak na tunay at buhay ang mga nakatalang mi­yembro. Kasama rito ang masusing beripikasyon sa mismong pasilidad upang maiwasan ang pananamantala sa sistema.

Hinikayat naman ni VP Ba­leña ang publiko na agad iulat sa PHILHEALTH ang anomang impormasyon ukol sa posibleng anomalya upang maprotekta­han ang mga benepisyaryo.

Sa ilalim ng GAMOT prog­ram, maaaring makakuha ang mga miyembro ng hanggang 75 uri ng gamot na may hala­gang Php 20,000 kada taon. Sa kasalukuyan, mayroong walong akreditadong pasilidad sa Metro Manila at nasa 24 na parmasya at botika pa ang kasalukuyang nagsusumite ng aplikasyon para sa akreditasyon.

Importanteng Tandaan:

1. Ang gamot ay mula sa kon­sultasyon at reseta ng YAKAP Clinic Doctor.

2. Ipakita ang resetang ito sa PhilHealth GAMOT accredi­ted Pharmacy para makuha ang benepisyo.

Alamin kung alin ang mga Accredited YAPAK Clinics at PhilHealth GAMOT Accredited Pharmacies na malapit sa iyo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: https://www.philhealth.gov.ph/yakap/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here