MANILA, Philippines – Muling inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong tukuyin at ipagbawal ang political dynasties sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 209 na inakda nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Party-list Rep., ang political dynasty ay pamilyang pinagsasama-sama o pinananatili ang kapangyarihan sa gobyerno sa pamamagitan ng sabayang o sunod-sunod na panunungkulan.
Ipinagbabawal sa panukala ang pagtakbo o panunungkulan ng sinumang kamag-anak ng kasalukuyang halal na opisyal hanggang sa ikaapat na antas ng pagkakamag-anak—lehitimo man o hindi.
Hindi rin maaaring agad-agad mapalitan ng kaanak ang isang opisyal sa parehong puwesto. Kinakailangan ding magsumite ng sinumpaang salaysay ang bawat kandidato sa Comelec na hindi sila sakop ng pagbabawal.
Maaaring i-disqualify ng Comelec ang sinumang lalabag, at hindi bibilangin ang kanilang boto. Hindi rin sila maipoproklama o makakaupo sa puwesto. RNT