Home NATIONWIDE Anti-VAWC ipinatutupad din sa lesbian relationship-SC

Anti-VAWC ipinatutupad din sa lesbian relationship-SC

MANILA, Philippines – Nagkakaisang idineklara ng Supreme Court na ang Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act) ay proteksyon hindi lamang sa mga babaeng biktima ng mga lalaki kundi sa mga karelasyon din na kapwa babae.

Sa desisyon ng SC Court En Banc, ibinasura ang petisyon ni Roselyn Agacid na kumuwestyon sa desisyon ng Quezon City RTC nang hatulan siyang guilty sa paglabag sa Anti-VAWC law.

Si Agacid ay inakusahan ng kanyang partner ng pisikal na karahasan.

Kinuwestyon ni Agacid ang hatol sa kanya dahil hindi umano magagamit laban sa kanya ang naturang batas dahil isa rin siyang babae.

Gayunman, iginiit ng Korte Suprema na ang
Anti-VAWC Act ay maaaring gamitin kahit babae rin ang akusado hanggat babae ang biktima.

“The nature of this social legislation is to empower women who find themselves in situations where they are left vulnerable to their abusers who are their intimate partners.”

Nilinaw ng SC na lalaki o babae man ang salarin, kapag ang babae ay biktima ng karahasan, sapat na ito upang gamitin depensa ang naturang batas. Teresa Tavares