Home NATIONWIDE Aplikasyon para sa bagong Associate Justice ng Korte Suprema, binuksan na ng...

Aplikasyon para sa bagong Associate Justice ng Korte Suprema, binuksan na ng JBC

3
0

MANILA, Philippines – Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Ang bakanteng pwesto ay iniwan ni Chief Justice Rodil Zalameda, na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang linggo kapalit ng nagretirong si dating Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ayon sa JBC, maaaring bisitahin ang official website nito na www.jbc.judiciary.gov.ph para sa mga detalye at requirements sa mga nais magsumite ng aplikasyon.

Itinakda sa Disyembre 28, 4:30 ng hapon ang deadline ng paghahain ng aplikasyon para sa mga nais maging mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Maaari namang managot sa batas at maharap sa diskwalipikasyon sakaling mapatunayang may inilagay na maling impormasyon sa kanilang mga isusumite, babala ng JBC.

Samantala, nauna nang naisumite ng JBC ang listahan ng nominees para sa papalit kay Associate Justice Amy Lazaro-Javier, na magreretiro sa Nobyembre 16. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here