Home NATIONWIDE ASEAN summit, magbubukas ng maraming oportunidad sa mga Pinoy- Malakanyang

ASEAN summit, magbubukas ng maraming oportunidad sa mga Pinoy- Malakanyang

3
0

MANILA, Philippines – MAGBUBUKAS ng maraming oportunidad para sa mamamayang Pilipino ang pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN Summit.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa taumbayan.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na partikular na makikinabang sa Summit ang negosyo, kalakalan, pamumuhunan, trabaho at maayos na suplay ng pagkain at enerhiya sa Pilipinas.

Maipapakita rin ng Pilipinas sa buong bansa ang “Pinoy hospitality” at ang sipag at malasakit ng mamamayang Pilipino na simbolo ng tagumpay ng ASEAN Summit.

Nakatakda namang pangungunahan ni Pangulong Marcos Jr. ngayong hapon ang inspeksiyon ng preparasyon para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Sa huli, ang tunay na makikinabang sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa Pilipinas ay ang bawat Pilipino dahil bawat oportunidad na mabubuksan ay pag-asang magbibigay ng mas magandang kinabukasan sa bagong Pilipinas. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here