MANILA, Philippines – Inendorso ng panel ng Commission on Appointments (CA) nitong Martes, Agosto 20 ang kompirmasyon ng ad interim appointment ni Hans Leo Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ang hakbang ni CA Majority Floor Leader Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr. na irekomenda sa plenaryo ang ad interim appointment ni Cacdac bilang DMW chief ay sinegundahan ni Senador Risa Hontiveros.
Inaprubahan naman ni Committee on Labor, Employment, Social Welfare, and Migrant Workers chairperson Rep. Mercedes Alvarez ang mosyon.
Si Cacdac ay nakatakdang humarap sa CA plenary deliberations ngayong araw para sa opisyal na kumpirmasyon ng kanyang ad interim appointment.
Noong Mayo, muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Cacdac bilang ad interim secretary ng DMW. RNT/JGC