Home NATIONWIDE Approval, trust ratings nina Marcos, Duterte bumaba

Approval, trust ratings nina Marcos, Duterte bumaba

MANILA, Philippines – Bumaba ang performance ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte sa March 2024 ratings ng Pulse Asia nitong Martes, Abril 2.

Ang performance ratings ni Marcos ay bumaba mula 68% noong Disyembre 2023 sa 55% noong Marso 2024, habang ang performance rating ni Duterte ay bumaba mula 74% noong Disyembre 2023 sa 67% noong Marso.

Sa kabilang banda, tumaas naman ang performance rating ni Senate President Juan Miguel Zubiri mula 49 percent noong Disyembre sa 52% noong Marso, at si House Speaker Martin Romualdez ay nabawasan ng performance rating mula 39% noong Disyembre sa 31% noong Marso.

Samantala, kapwa bumaba rin ang trust ratings nina Marcos at Duterte. Ang trust rating ni Marcos ay bumaba mula 73 percent noong Disyembre 2023 sa 57 percent noong Marso 2024, at ang trust rating ni Duterte ay bumaba rin mula 78 percent noong Disyembre sa 71% noong Marso.

Habang ang trust rating ni Zubiri ay tumaas mula 51 percent sa 53 percent, at bumaba naman ang trust rating ni Romualdez mula 40 percent patungong 31 percent.

Isinagawa ang survey mula Marso 6 hanggang 10. RNT/JGC

Previous articleHabang wala pang bakuna ang DOH: HALAMANG GAMOT VS PERTUSSIS, ITINULAK NI TOLENTINO
Next article4 kompanya nagsumite ng bids sa Comelec sa online voting, counting system sa 2025 polls