Home NATIONWIDE 4 kompanya nagsumite ng bids sa Comelec sa online voting, counting system...

4 kompanya nagsumite ng bids sa Comelec sa online voting, counting system sa 2025 polls

MANILA, Philippines – Apat na kumpanya ang nagkapagsumite ng kanilang bids para sa online voting at counting system na gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) para sa unang online voting ng overseas Filipino sa 2025 midterm elections.

Isinagawa ng Comelec Special Bids and Awards Committee (SBAC) nitong Martes, Abril 2 ang ikalawang round ng bidding, at ito ay ang Indra Soluciones Tecnológicas de la Información S.L.U.; ang joint venture ng SMS Global Technologies Inc. at Sequent Tech Inc.; ang joint venture ng Voatz Inc., ePLDT Inc. at Ebizolution Inc.; at ang joint venture ng AMA group, Dasan and Kevoting.

Ayon kay Comelec spokesman, John Rex Laudiangco, ang OVCS ay may aprubadong budget na P465.8 milyon para sa kontrata at saklaw na serbisyo.

Ang unang round ng bidding ay isinagawa noong Pebrero 22, ngunit ang Comelec-SBAC ay nagdeklara ng “failure of bidding” at itinuring na ang dalawang kalahok na bidder ay hindi karapat-dapat sa kanilang kabiguan na sumunod sa mga kinakailangan sa bidding.

Ang dalawang orihinal na bidder ay ang Indra Soluciones Tecnológicas de la Información S.L.U. at We are I.T. Philippines Inc.

May orihinal na anim na bidder na bumili ng bidding documents, ngunit tanging ang Indra at I.T. Philippines ang nagsumite ng kanilang mga bid.

Ang apat pa ay ang SMS Global Technologies Inc., Sequent Technologies Inc., Prosoft Global Pte. Ltd. at SMMT-TIM 2016 Inc. Jocelyn Tababgcura-Domenden