MANILA, Philippines – Ipinroklama nang mayor ng Las Pinas City si April Aguilar nitong madaling araw ng Martes, Mayo 13.
Ang kanyang pagkapanalo ay sinertipikahan ng board of canvassers ng lungsod.
Nakatanggap siya ng 89,724 boto, habang si Carlo Aguilar ay nakatanggap ng 61,274 boto.
Sa pagka-bise alkalde naman, si Imelda Aguilar ay nanalo sa 94,427 boto habang nakatanggap naman ang kanyang katunggaling si Louie Bustamante ng 51,314 boto.
Samantala, iprinoklamang congressman ng lone district ng lungsod si Mark Anthony Santos matapos talunin si dating senador Cynthia Villar at tatlo iba pa.
Si Santos ay nakakuha ng 83,078 na boto habang si Villar ay may 60,455 na boto lamang. RNT/JGC