MANILA, Philippines – Nangyari ang isang moderately explosive eruption sa summit crater ng Bulkang Kanlaon nitong madaling araw ng Martes, Mayo 13.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagsabog ay naganap 2:55 ng madaling araw at tumagal ng limang minuto.
“The eruption generated a grayish voluminous plume that rose approximately 4.5 kilometers above the vent before drifting to the southwest,” ayon pa sa ulat ng ahensya.
Nakarinig naman ng dagundong ang mga residente ng Barangay Pula, Canlaon City, Negros Oriental at La Castellana, Negros Occidental.
“Incandescent pyroclastic density currents or PDCs descended the southern slopes with approximately two (2) kilometers of the crater based on visual and thermal camera monitoring,” dagdag ng PHIVOLCS.
“Large ballistic fragments were also observed to have been thrown around the crater within a few hundered meters and caused burning of vegetation near the volcano summit.”
Samantala, naitala ang ashfall sa mga sumusunod na lugar sa Negros Occidental:
La Carlota City – Barangays Cubay, San Miguel, Yubo, at Ara-al
Bago City – Barangays Ilijan, Binubuhan
La Castellana – Barangays Biak-Na-Bato, Sag-ang, Mansalanao
Nananatili ang Alert Level 3 na babala sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC