MANILA, Philippines – Nakatanggap ng mga ulat ng mismatches sa aktwal na boto at resibo mula sa automated counting machines (ACMs) ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa kasagsagan ng botohan ng midterm elections.
Sinabi rin ng PPCRV na karamihan sa balota ay invalidated dahil sa overvoting.
“No specific geographic. At first, we’re trying to observe if there is a pattern in a specific polling center, but it seems yung mga tawag namin, so far, iba’t iba ang locations (the calls we receive came from different locations),” sabi ni PPCRV spokesperson Ana Singson.
Ayon pa kay Singson, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makatanggap ang PPCRV ng ganitong ulat.
Ayon pa kay Singson, mahirap masabi ngayon kung ito ay problema ng makina dahil hindi nakikita ang balota –hindi na-assess ang balota.
Aniya, kung may isyu man ay makikita ito sa random manual audit.
“Accurate ba ang pagbilang ng makina? Malalaman natin yan sa random manual audit,” sabi ni Singson. Jocelyn Tabangcura-Domenden