MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nitong Lunes, Mayo 12, na ibalik ang 25% shading threshold sa susunod na halalan sa Pilipinas.
Ito ay matapos makatanggap ang PPCRV ng mga ulat ng hindi pagkakatugma sa pagitan ng aktwal na mga boto at mga resibo mula sa automated counting machines (ACM).
Sinabi ni PPCRV spokesperson Ana Singson sa mga mamahayag na ang Catholic-led watchdog ay nakatanggap ng mga ulat na ang mga mantsa sa mga balota ay nakakaapekto sa pagbasa ng ACM.
“Parang masyadong mababa ang pagbaba ng threshold sa 15%. We think at 15%, it’s a little too sensitive,” sabi ni Singson.
Ayon kay Singson, nagbabasa ito ng kahit na ang pinakamaliit na marka ng mantsa, na hindi dapat mabilang na mga balota.”
Nabanggit niya na ang 25% shading threshold ay ginamit noong 2022 elections.
Sinabi ng Commission on Elections na hindi bababa sa 762 na mga piniling clustered precincts at isang online post casting ballots sa pamamagitan ng Online Voting and Counting System (OVCS) ay magiging bahagi ng RMA para sa mga botohan sa Mayo.
Magsisimula ang pagsusulit sa Mayo 13 at tatagal ng 45 araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden