Home NATIONWIDE Japanese national, Pinay arestado sa illegal recruitment, human trafficking – DMW

Japanese national, Pinay arestado sa illegal recruitment, human trafficking – DMW

MANILA, Philippines – Arestado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang lalaking Japanese at isang Filipina dahil sa umano’y human trafficking at large-scale illegal recruitment sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong May 9.

Sina Tomita Takayuki at Maria Zenaida Callos Otani ay inaresto ng mga tauhan ng DMW at NAIA Task Force Against Trafficking habang sinusubukang ipuslit ang 13 Filipino palabas ng bansa para magtrabaho sa factory sa Japan.

Naghihikayat umano ang mga suspek ng mga biktima sa ilalim ng bogus agency na Winkbayside Manpower Services at nag-aalok ng Trabaho bilang factory workers sa ilalim ng Technical Intern Training Program ng Japan na may sahod na JPY200,000 (PHP75,276).

Gayunman, pagdating sa kanilang employer ay makakatanggap lamang sila ng JPY120,000 o P41,165 mula sa ipinangakong halaga.

Samantala, nanawagan ang DMW sa iba pang biktima ng mga suspek na makipag-ugnayan sa kanilang opisina upang sila ay matulungan sa pagsasampa ng kaukulang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden