Home ENTERTAINMENT Ara, di bet maka-kissing scene si Jomari!

Ara, di bet maka-kissing scene si Jomari!

Manila, Philippines – Kung may tour guide, pinauso naman ni Ara Mina ang phrase na “career guide.”

No, this is no navigational gadget kundi tao.

‘Yun daw ay walang iba kundi ang asawa niya, si Dave Almarinez.

Binigyan din si Ara misno ng pahintulot na “mangialam” si Dave sa kanyang career but in a manner that he does it the right way.

Halimbawa na lang ang pag-i-impose ng ilang restrictions on Ara.

Paglilinaw ni Dave: “Hindi naman bawal kung may kissing scenes si Ara, gusto ko lang malaman kung sino ang kaeksena niya!”

Si Jomari Yllana na dating nobyo ng kanyang misis, parvag kaya si Dave?

Mabilis niyang sagot: “Puwede! May asawa na ‘yon!”

As we all know, kasal na si Jomari sa first love nitong si Abby Viduya.

For Dave, it’s short of saying na wala nang malisya kung may malinit mang tagpo if ever sina Ara at Jomari sa isang proyekto.

Pero si Ara na rin ang umayaw: “Puwede bang iba na lang kasi naging ex ko siya?”

Walang pinagkaiba si Ara sa kelan lang ay sinabi rin ng dating karelasyon ni Jomari na si Aiko Melendez.

Ani Aiko, hindi raw niya maatim makasama sa ngayon si Jomari sa trabaho.

At least kay Ara, kissing scene with Jomari lang ang bawal! Ronnie Carrasco III

Previous articleP270K pondo para sa TUPAD na inuwi ng DENR-CENRO employee sa bahay, natangay!
Next articleNoKor naglunsad ng ‘intermediate-range ballistic missile’ – SoKor