Manila, Philippines- May dahilan na ngayon si Ara Mina na paglaanan ng panahon ang kanyang pagbubuntis.
Ito ang nagkakaisang komento ng mga netizens following her loss sa kanyang pagtakbo bilang konsehal sa Pasig City.
Second time na ang pagsabak na ito ng TV host-actress sa parehong local post, the first being in Quezon City many years ago.
Prior to the recently concluded polls, inamin ni Ara na isasantabi raw muna nila ng asawang si Dave Almarinez ang planong bumuo ng baby.
Idinahilan ni Ara ang pagsabak muli sa pulitika bukod sa mga negosyo nila ng mister.
Ipinapalagay ng marami na hindi nakatulong kay Ara ang pagkakaanib niya sa na-disqualify na mayoral bet.
Umani kasi ng batikos ang naging talumpati nito at a campaign rally tungkol sa mga single mothers.
Bale ba, nahuling humahagikhik si Ara na nasa entablado.
Hindi man lang daw naisip ni Ara na ang mismong kapatid niyang si Cristine Reyes is herself a single mom.
Samantala, habang sinusulat ito’y nawawala pa rin ang lola ng anak ni Ara na si Amanda.
Amanda’s granny is her dad Patrick Meneses’ mom Precy, na hindi raw nakasipot sa Mother’s Day dinner supposedly at a resto in Guiguinto, Bulacan. Ronnie Carrasco III