Home ENTERTAINMENT Pagoging GM ni Mystica, pinagdudahan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pagoging GM ni Mystica, pinagdudahan!May 16, 2025 15:28 FacebookTwitterPinterestWhatsApp California, USA – Walang gustong maniwala sa paandar ni Mystica through her uploaded 30-minute video.In case limot na ng ilan si Mystica, siya ‘yung binansagang Split Queen dahil sa kanyang stunt in her live performances.Si Mystica ngayon ang paboritong i-bash ng mga netizens.Paano naman kasi, ang “press release” niya’y GM o general manager daw siya ng isang burger chain sa Amerika.‘Yung 30-minute video na pinost niya ay during her break.Diskumpiyado naman ang mga netizens dahil sa suot pa lang daw ng singer ay mukhang service crew ito.At meron daw bang break ang GM?Hindi naman nagpatinag si Mystica sa mga non-believers.Sa katunayan, ibinigay niya ang contact number ng burger chain para beripikahin na GM nga siya doon.Hinihiling lang ng mga netizens na magpakatotoo si Mystica.“Honesty is the best policy!” giit ng isang basher. Ronnie Carrasco III