Home ENTERTAINMENT Ara, tatakbong konsehal sa Pasig?

Ara, tatakbong konsehal sa Pasig?

Manila, Philippines- Mismong sa bibig na rin ni Ara Mina nanggaling na bukas siya sa posibilidad na pumasok sa lokal na pulitika.

It will be recalled that many years back ay tumakbo bilang konsehal sa isang distrito sa Quezon City ang aktres, but lost.

Pero sa pagkakataong ito’y sa Pasig City siya balitang hinihikayat tumakbo particularly sa konseho.

Hindi ito ang punchline, ‘ika nga.

Kasing-ugong kasi ng lugar sa Pasig na Ugong din ang tsikang makikialyansa si Ara sa kalaban ng partido ng incumbent mayor na si Vico Sotto.

Gaano katotoo?

Ani Ara, may mga umiikot ngang balitang pinatatakbo siya sa naturang lungsod.

“Marami ang nag-o-offer as in tuwing elections naman. Marami ang nag-e-encourage sa akin!”

Pero on her own, balak ba niyang tumakbong muli?

“Pag-uusapan pa muna namin ‘yan ng family ko, let’s see. I’m not closing my doors,” ani Ara.

Pero aware kaya ang aktres na kung sakaling tuloy ang pagtakbo niya’y taliwas ito sa kanyang planong magbuntis?

Sa last interview kasi kay Ara, malinaw na sinabi niyang tinatapos lang niya ang kanyang mga showbiz commitments at business endeavors nila ng asawang si Dave Almarinez, and after that ay naka-set na ang mind niya on getting pregnant.

Naiba na? Ronnie Carrasco III