MANILA, Philippines- Ligtas nang kainin ang mga isda at iba pang seafood products mula sa fishing areas na nakapalibot sa Manila Bay na posibleng apektado ng oil spill sa Limay, Bataan noong Hulyo 25, 2024, base sa Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).
Sinabi ng BFAR na ligtas na ang lahat ng sample ng isda, crustaceans, cephalopods, at shellfish na nakolekta noong Agosto 27 mula sa Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, at Tanza.
Ito ay matapos magsagawa ng serye ng monitoring activities at pag-aanalisa upang matiyak na ligtas kainin ang mga isda at iba pang seafood products mula sa fishing areas na pumapalibot sa Manila Bay.
Samantala, idineklara nang ligtas kainin ang mga isda at iba pang seafood products sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, at Metro Manila, maging sa mga munisipalidad ng Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon sa probinsya ng Cavite.
“Bulletin No. 4 dated August 13, 2024, and Bataan Oil Spill Bulletin No. 5 dated August 22, 2024, respectively, remain safe for human consumption based on the result of the latest analyses conducted by the DA-BFAR,” batay sa press statement.
“Based on the stated results, the public is therefore informed that fish in ALL areas in Manila Bay potentially affected by the oil spill are now safe for human consumption,” dagdag pa rito. RNT/SA