Home NATIONWIDE Araw ng mga Puso uulanin sa 3 weather system

Araw ng mga Puso uulanin sa 3 weather system

MANILA, Philippines – Maulang Araw ng mga Puso ang sasalubong sa mga magsing-irog, ayon sa PAGASA.

Ang Shear Line ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Batanes at Babuyan Islands.

Ang Easterlies ay magdudulot ng katulad na lagay ng panahon sa Bicol Region, Eastern Visayas, Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon.

Sa Mindanao, ang ITCZ ay magdadala ng pag-ulan at pagkulog sa Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region, habang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan naman sa natitirang bahagi ng rehiyon.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan dahil sa Easterlies.

Asahan din ang malakas na hangin at maalon na karagatan sa Extreme Northern Luzon. Ang temperatura ay aabot sa 30.9 °C bandang tanghali at bababa sa 23.8 °C kaninang madaling-araw. RNT