Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness si Archie Alemania na isinampa ni Rita Daniela.
Sa Prosecutor’s Office ng Bacoor Cavite isinampa ng singer-actress ang nasabing kaso.
Bunsod ito ng insidente sa birthday party ni Bea Alonzo noong September 9.
Pasado alas dose na ng hatinggabi nang makarating doon si Rita dahil galing pa siya sa taping ng All-Out Sunday.
Pagkakita raw ni Archie sa kanya’y nagsalita raw ito ng: “Huwag kang lalapit sa akin… napaka-fuck…ble mo ngayon, ah!”
Hindi ‘yon pinansin ni Rita dahil nakainom na raw si Archie.
Sinundan ‘yon nang mag-duet sina Rita at Royce Cabrera.
Nagsalita raw si Archie addressed to Royce na: “Brad, tirahin mo na ‘yan!”
Again, Rita chose to dismiss it.
Hindi roon nagwakas ang kagaspangan ni Archie.
Nagpumilit kasi itong ipa-cancel kay Rita ang nai-book nang Grab taxi na maghahatid sana sa kanya sa Bacoor.
Nag-offer daw si Archie na siya na lang ang maghahatid kay Rita pauwi.
Pero sa halip na magmagandang-loob ay pilit daw hinawakan ni Archie ang leeg at balikat ni Rita.
Tinangka pa ng aktor na halikan siya nang torrid na ikinapalag niya.
Hanggang makarating sa bahay ni Rita ay ayaw pang magmaneho pauwi ni Archie.
Kinabukasan, September 10, nang humihingi raw si Archie ng sorry kay Rita.
Pero nakapagdesisyon na raw ang aktres–hihilingin daw niya sa produksyon ng Widows’ War na tanggalin doon si Archie who has yet to appear in the series. Ronnie Carrasco III